
Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa mas mabilis na pagdami ngayon ng lamok na may dalang dengue.
Kasunod ito ng pagsisimula ng panahon ng tag-ulan.
Kaugnay nito, nanawagan ang DOH sa publiko na ipagpatuloy ang paglilinis sa kapaligiran.
Kabilang dito ang pagtatakip ng mga ipunan ng tubig, ang pagtaob ng mga container o timba na maaaring pangitlugan ng lamok at iba pa.
Aniya, kailangan itong gawin araw-araw para maiwasan ang pagdami ng lamok.
Facebook Comments