Mga public swimming pool, pinatitiyak na may nakatalagang lifeguards

Iginiit ni Senator Sherwin Gatchalian na ang kaligtasan ng publiko ang dapat prayoridad ngayong panahon ng Semana Santa kung saan inaasahang marami sa mga kababayan ang babyahe at magbabakasyon.

Tinukoy ng senador na ngayong mga buwan ay naitatala ang mataas na bilang ng pagkalunod na maiiwasan sana kung may mga nakatalagang lifeguards.

Batay sa World Health Organization (WHO), nasa 20 kada araw ang nasasawi sa Pilipinas dahil sa pagkalunod kung saan karamihan ay mga bata.

Dahil dito, bukod sa pagde-deploy ng mga pulis sa mga terminal, mahalaga rin na magtalaga ng mga lifeguard sa bawat public swimming pools at bathing facilities upang matiyak na ligtas ang publiko lalo na sa mga panahong inilalaan para sa mga pamilya.

Facebook Comments