Isinagawa ang medical mission sa bagong bukas na Bagong Urgent Care and Ambulatory Service Center o BUCAS Center sa Mapandan, kung saan inihatid sa mga residente ang iba’t ibang serbisyong pangkalusugan.
Kabilang sa mga serbisyong inilaan ang libreng konsultasyon, laboratory at radiologic tests, pamamahagi ng libreng gamot, dental services, at pagbabakuna laban sa trangkaso.
Naglaan din ang mga health worker ng mga wheelchair at walker para sa mga senior citizen at persons with disabilities, gayundin ng mga medical kit at gamot para sa mga nangangailangan.
Samantala, nakipagtulungan din ang Philippine Statistics Authority (PSA) upang mapadali ang pagpaparehistro para sa National ID ng mga batang limang taong gulang pababa.
Dumalo rin sa aktibidad ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Mapandan, kabilang si Mayor Karl Christian Vega. Ayon kay Vega, malaking tulong sa mga residente ng Mapandan at mga karatig-bayan ang pagkakaroon ng naturang pasilidad at mga serbisyong pangkalusugan.
Layunin ng programa na higit pang mapalawak ang access ng mga Pangasinense sa de-kalidad at abot-kayang serbisyong medikal, gayundin na mapalakas ang pagtugon sa pangangailangan ng komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







