
Tinututukan na ng Bureau of Immigration (BI) at iba pang ahensiya ng pamahalaan ang natanggap nilang impormasyon na nagsasagawa ng small time operation ang mga kumpaniya ng Philippine offshore gaming operators (POGO) na napilitang magsara.
Sa Meet the Press Weekly Forum ng National Press Club (NPC), inihayag ni Immigration Spokesperson Dana Sandoval, ang mga nasabing operasyon ng POGO ay ikinakasa na sa mga pribadong subdivision, villages at mga condominium na hindi basta-basta napapasok ng mga awtoridad.
Aniya, nasa 10 o higit pang indibidwal ang nagsasagawa nito kung saan pasimple at pailalim ang kanilang operasyon lalo na ang mga online games.
Kaugnay nito, mas lalo pang paiigtingin ng pamahalaan ang operasyon laban sa mga POGO upang tuluyan itong matigil.
Dagdag pa ni Sandoval, 11,254 POGO workers na hindi nakaalis noong December 2025, higit 500 sa kanilang ang nahuli kung saan 200 mahigit ang napa-deport.
Bukod dito, sinabi pa ni Sandoval ngayong araw ay nasa 150 POGO workers ang nakatakdang pabalikin sa kanilang bansa.