Publiko, pinayuhan ng isang kongresista na huwag iboto ang mga kandidato na may kaugnayan sa POGO

Pinayuhan ni House Assistant Majority Leader at Manila Rep. Ernix Dionisio Jr. ang publiko na huwag iboto sa May 12 Elections ang mga kandidato na may kaugnayan sa Philippine Offshore Gambling Operators o POGO.

Saludo si Dionisio sa pagbabawal ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa POGO pero kailangan nya ang tulong ng mamamayan.

Ayon kay Dionisio, ito ay dahil may mga indibidwal na konektado o sangkot sa POGO ang nagbabalak makapwesto sa gobyerno para maproteksyunan nang palihim at ilegal na operasyon nito sa bansa.

Kaya apela ni Dionisio sa mamamayang Pilipino, maging matalino sa pagboto at huwag nating hayaan makapasok sa pamahalaan ang mga ilegalistang kandidato.

Facebook Comments