Patuloy na mino-monitor ang kondisyon ng trapiko at mga kalsadang apektado ng pagbaha bunsod ng patuloy na pagtaas ng tubig sa ilang lugar sa Dagupan City.
Pinapayuhan ang mga motorista na magpatakbo nang mabagal at maingat, lalo na sa mga bahaging may baha, at iwasan ang mga kalsadang hindi na madaanan dahil sa mataas na tubig.
Maaari ring gumamit ng alternatibong ruta kung kinakailangan at sundin ang mga abiso at panuntunan ng mga traffic personnel.
Patuloy namang binabantayan ang mga kalsadang nananatiling bukas at passable, ngunit posible pa rin ang pagbigat ng daloy ng trapiko at pagkaantala sa biyahe.
Pinaaalalahanan ang publiko na maaaring mabilis magbago ang kondisyon ng mga kalsada habang tumataas o humuhupa ang tubig-baha.
Hinihikayat ang mga motorista na iwasan ang hindi kinakailangang pagbiyahe sa mga lugar na matinding binabaha at unahin ang kaligtasan sa lahat ng oras. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










