Sa halip na tuluyang tumigil sa pagtitinda, kanya-kanyang diskarte ang ilang nagbebenta ng gulay at prutas sa Dagupan City upang maipagpatuloy ang kanilang hanapbuhay habang nananatiling lubog sa baha ang kanilang mga dating pwesto.
Ilang tindera ang pansamantalang pumwesto sa Herrero Street malapit sa Quintos Bridge, kung saan umaasang makabenta sa mga mamimili at residenteng dumaraan sa bahaging hindi gaanong apektado ng tubig.
Ang iba naman ay naglipat ng paninda sa Galvan Street, na nananatiling hindi naaabot ng mataas na baha sa kanilang bahagi.
Para sa mga tindera, mahalagang makapaghanap ng pansamantalang pwesto dahil bawat araw na hindi sila makapagtinda ay katumbas ng nawawalang kita at posibilidad na masira ang kanilang mga produktong gulay at prutas.
Ayon sa ilan sa kanila, bagama’t halos taon-taon na nilang nararanasan ang pagbaha, mahirap pa ring masanay sa ganitong sitwasyon dahil direktang tinatamaan ang kanilang kabuhayan.
Sa ngayon, pansamantalang magtitiis muna sila sa mga alternatibong pwesto habang hinihintay na tuluyang humupa ang baha bago makabalik sa kanilang nakasanayang lugar ng pagtitinda.
Samantala, nagpapatuloy ang pag-iikot at monitoring ng Dagupan City Government sa mga binahang lugar upang mabantayan ang kondisyon ng mga kalsada at komunidad at matugunan ang agarang pangangailangan ng mga apektadong residente.
Sa kabila ng baha, patuloy ang pagsisikap ng maliliit na negosyante na maitaguyod ang kanilang pang-araw-araw na kabuhayan habang unti-unting naghihintay na bumalik sa normal ang sitwasyon sa lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments