Saklaw ng talakayan ang bahagi ng earth dike mula Barangay Pangapisan North hanggang Barangay Maniboc, kung saan may mga bahay, apartment at iba pang istrukturang naitayo.
Isa sa mga puntong binigyang-pansin ng isang konsehal ang pagkakaroon ng mga titulo ng lupang kinatatayuan ng mga istruktura sa nasabing lugar.
Nauna nang planuhang imbitahan ang UPMO-FCMC, DPWH Central Office, Municipal Assessor, Municipal Planning and Development Coordinator, at Municipal Engineer upang magbigay-linaw sa mga usapin sa pagmamay-ari ng lupa at sa mga patakarang may kaugnayan sa paggamit ng lupa at pagpapatayo ng mga istruktura.
Gayunman, hindi natuloy ang nakaplanong pag-iimbita sa mga nasabing tanggapan.
Wala pang pangwakas na konklusyon hinggil sa usapin, habang inirekomenda naman ang pagdaraos ng pagpupulong kasama ang mga may-ari ng mga istruktura at establisyimentong matatagpuan sa kahabaan ng Southern Lingayen Earth Dike. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







