Naghatid ng tulong at pag-asa ang 102nd Maneuver Company sa isang 30-anyos na babae na kasalukuyang lumalaban sa breast cancer sa pamamagitan ng programang “Kapwa Ko, Sagot Ko” sa Cervantes, Ilocos Sur.
Isinagawa ang aktibidad sa Sitio Luyot, Barangay Dinwede East, bilang bahagi ng programang “Pamaskong Handog 2026” ng 102nd Maneuver Company.
Ang benepisyaryo na si Jane Torio Cayabas ay tumanggap ng mga food pack at diaper upang makatulong sa ilan sa kaniyang mga pangunahing pangangailangan habang patuloy na hinaharap ang kaniyang karamdaman.
Pinangunahan ang inisyatiba ni PCPT Oliver L. Gaspar, ACC, katuwang ang 102nd Maneuver Company Advisory Council at si Ma’am Ruby King.
Layunin ng programa na maipadama ang malasakit at magbigay ng dagdag na lakas ng loob sa benepisyaryo, lalo na ngayong papalapit ang panahon ng Pasko.
Binigyang-diin ng 102nd Maneuver Company na ang tunay na diwa ng Pasko ay hindi nasusukat sa halaga ng mga handog, kundi sa kahandaang tumulong at magmalasakit sa kapwa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










