Minorya sa Senado, bumalangkas na ng rules para sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte

Bumalangkas na si Senate Minority Leader Koko Pimentel ng impeachment rules na posibleng gamiting patnubay at gabay sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Ito’y kahit na wala pang pormal na nililikhang subcommittee ukol sa mga rules para sa impeachment complaint laban kay VP Sara.

Sinabi ni Pimentel na magsusumite siya ng draft copy ng rules sa Senado kahit wala pang opisyal na nabuong subcommittee.


Nagpahayag naman si Senate Majority Leader Francis Tolentino na maaaring pamunuan ni Pimentel ang paglikha ng mga rules para sa proseso ng impeachment.

Sinabi naman ni Pimentel na kahit sino kina Escudero o Tolentino ay maaaring magbuo ng subcommittee on rules.

Sa impeachment trial ay kikilos ang mga Senador bilang mga hukom sa impeachment court laban kay VP Sara batay sa mga dahilan ng Culpable Violation of the Constitution, Betrayal of Public Trust, Graft and Corruption, at iba pang mataas na krimen.

Facebook Comments