Isang makabagong pamilihan ang binuksan kamakailan sa bayan ng Bacnotan, La Union—ang kauna-unahang modernong palengke sa Region 1 na may elevator, WiFi access, pushcart, at de-kalidad na stainless market equipment.
Ang proyektong ito ay hindi lamang nagpapakita ng pag-unlad ng bayan kundi nagbibigay rin ng mas maayos, malinis, at komportableng karanasan sa mga mamimili at vendors.
May tatlong palapag ang bagong pamilihan. Ang ground floor ay inilaan para sa wet market section, kung saan matatagpuan ang mga tindahan ng isda, karne, at gulay. Ang second floor naman ay para sa dry market section, kung saan mabibili ang mga tuyo, bigas, damit, at iba pang pangangailangan. Samantala, ang third floor ay may food court at events center, na maaaring gamitin para sa mga espesyal na aktibidad ng komunidad.
Ikinatuwa ng mga residente ang pagbubukas ng makabagong pamilihan a malaking tulong umano sa paghahanapbuhay kung saan maginhawa ang mga ito sa pagbebenta.
Pakiusap ng lokal na Pamahalaan, panatilihing malinis ang pamilihan hindi lamang para sa mga vendors maging sa mga mamimili. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨