NAIA, may bagong sistema ng unloading configuration

Sinimulan na ang parallel unloading configuration sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 sa may departure area.

Dito ay binago na ang sistema sa pagbababa ng mga sakay na pasahero na gagamit ng terminal.

Simula kahapon, parallel drop-off na ang kanilang ipinatutupad, bukod sa marami na ring mga aiport security personnel sa drop-off point o tauhan sa paliparan, bago na rin ang pintura ng linya na magsisilbing gabay sa mga driver.

Hindi na rin papayagan pa ang diagonal drop-off o parking kung saan nakaharap ang mga sasakyan sa terminal.

Ito’y upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero kasunod ng nangyaring pananagasa noong Linggo.

Facebook Comments