
Kinilala ni Vice President Sara Duterte ang katatagan at malaking ambag sa lipunan ng mga kababaihan ngayong International Women’s Day at National Women’s Month.
Sa kanyang mensahe, inihayag naman ni VP Sara ang nakaka-alarmang karahasan sa mga kababaihan at bata tulad ng human trafficking na aniyay nananatiling banta sa seguridad at dignidad ng maraming kababaihan.
Tinukoy rin ni VP Sara ang mga nangyayaring domestic abuse, online exploitation at trafficking, gayundin ang gender-based violence na nananatiling hadlang sa pamamayagpag ng mga kababaihan.
Mahalaga rin aniyang matiyak na magkakaroon ng boses at kalayaang umunlad ang bawat babae at bata.
Nanawagan din si VP Sara ng sama-samang pagsulong para mapalakas ang mga batas na magwawakas sa kaharasan sa mga kababaihan.
Dapat din aniyang magkapit-bisig ang lahat para mawala na ang takot ng mga kababaihan sa karahasan habang inaabot nila ang kanilang mga pangarap.