
Mas pinaigting na combat readiness ng Philippine Army ang ibinida sa live fire exerci3se ng Combined Arms Training Exercise (CATEX) “Katihan” Battle Phase 2 na isinagawa sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija, at Crow Valley Gunnery Range, Tarlac kahapon.
Kabilang sa mga ginamit sa pagsasanay ang ATMOS 2000 self-propelled (155mm) howitzers ng Army Artillery Regiment, Sabrah light tanks, at bagong mortars.
Isinagawa ang field exercises sa malawak na lahar area upang masubok ang kakayahan ng mga units sa ganitong uri ng terrain.
Samantala, nagpakitang-gilas din ang infantry units at iba pang Army enablers sa warfighting functions sa Combat Readiness Training Area.
Binibigyang-diin ng CATEX Katihan 02-2025 ang “command-and-control” na mahalaga sa external security operations at pagsasanay para sa mas epektibong interoperability ng Philippine Army, Philippine Navy, at Philippine Air Force.