ROAD CRASH | 1 patay, 22 sugatan sa karambola ng 11 sasakyan sa NLEX

Patay ang isang tao habang 22 ang sugatan sa karambola ng labing-isang sasakyan sa North Luzon Expressway (NLEX).

Ayon sa Northern Police District, dead on arrival sa FEU Hospital ang hindi pinangalanang biktima.

Naganap ang insidente sa south bound ng NLEX Valenzuela kahapon ng tanghali kung saan sa inisyal na imbestigasyon, sumalpok ang isang 10-wheeler na truck sa isang kotse hanggang sa nadamay na rin ang iba pang sasakyan.


Paliwanag ng tsuper ng truck, nawalan raw ng preno ang kanyang minamanehong sasakyan.

Nagdulot naman ng mabigat na trapiko sa NLEX ang nasabing aksidente, pero agad na nagsagawa ng clearing operations sa lugar.

Facebook Comments