Nasa 3,000 panibagong batch ng PDL, napalaya na ngayong araw

Napalaya na ngayong araw ang nasa 2,923 na mga persons deprived of liberty (PDL) sa New Bilibid Prison (NBP) Compound sa Muntinlupa City.

Ayon sa Bureau of Corrections (BuCor), ang 248 na PDL ay mula sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City, apat mula sa CIW Iwahig Prison and Penal Farm, 42 ay mula sa CIW Mindanao, 469 ay mula sa Davao Prison and Penal Farm, 356 mula sa Iwahig Prison and Penal Farm, 134 mula sa Leyte Regional Prison, 1204 mula sa New Bilibid Prison, 180 ay mula sa Sablayan Prison and Penal Farm at 313 ay mula naman sa San Ramon Prison and Penal Farm.

Sa kabuuan, umabot na sa 23,579 ang napalayang mga PDL sa ilalim ng Marcos administration.

Kasunod nito, nagpasalamat naman si BuCor Chief Gregorio Pio P. Catapang, Jr. sa Supreme Court sa naging desisyon nito para mapalaya ang mga PDL for kasali na ‘yung mga convicted dahil sa mga malalang krimen.

Ani Catapang, ang naging basehan din ng kalayaan ng mga PDL ay base naman sa expiration ng kanilang sintensya, parole, habeas corpus, granted probation at acquittal.

Sa huli, sinabi ng BuCor na tinututukan nila ang rehabilitasyon ng mga piitan gayundin ang pabibigay pag-asa sa mga PDL.

Facebook Comments