
Inanunsyo ng National Irrigation Administration (NIA) na pinasimulan na ang pagkumpuni sa nasirang rubber gate no. 3 ng Bustos Dam.
Ayon kay NIA Administrator Eddie Guillen nasira ang nasabing dam noong Mayo 1 ng sumingaw ang rubber gate dahil sa mainit na panahon.
Paliwanag pa ni Guillen na nangangailangan umano ito ng agarang teknikal na pagtugon upang makumpuni at ang posibleng epekto sa dam ng paparating na tag-ulan.
Una nang nakipagpulong ang NIA at Bulacan provincial government, para sa pagsasaayos ng nasirang rubber gate ng Bustos Dam.
Giit ng opisyal na kanilang tinalakay ang mabibigat na isyu na nakapalibot sa nasirang rubber gate ng dam.
Facebook Comments