
CAUAYAN CITY- Muling aarangkada ang National Bureau of Investigation Clearance on Wheels ngayong araw, ika-20 hanggang ika-22 ng Enero sa bayan ng Angadanan, Isabela.
Matatandaang nauna nang lumarga ang aktibidad noong ika-13 ng Enero kung saan maraming residente ang naging benepisyaryo nito.
Ayon sa LGU Angadanan, muling naghandog ang kanilang hanay ng NBI Clearance on Wheels dahil maraming residente ang nais na isagawa ulit ito.
Kinakailangan lamang na dalhin ang mga kinakailangan dokumento sa pagkuha ng NBI Clearance na nakasaad sa website ng NBI.
Ang aktibidad ay magsisimula mula alas otso ng umaga hanggang alas tres ng hapon sa Municipal Hall ng Angadanan.
Facebook Comments