PECU ISABELA, NAGSAGAWA NG INSPEKSYON SA BAMBANTI FESTIVAL 2025

CAUAYAN CITY – Nagsagawa ng inspeksyon ang mga tauhan ng Provincial Explosive Ordinance Disposal and Canine Unit (PECU) Isabela bilang bahagi ng mahigpit na seguridad para sa Bambanti Festival 2025 na ginaganap sa Lungsod ng Ilagan.

Pinangunahan ni PCpt. Jovel Buhente, Team Leader ng PECU Isabela, ang operasyon kung saan isinagawa ang security coverage at paneling operation upang masigurado ang kaligtasan ng mga dumadalo at maiwasan ang anumang banta sa seguridad.

Layunin ng nasabing operasyon na maipatupad ang mahigpit na mga regulasyon at maipakita ang malakas na presensya ng awtoridad sa mga pangunahing lugar ng selebrasyon.


Sa pamamagitan ng mga hakbang na ito, mababawasan ang panganib ng anumang iligal na aktibidad o krimen, partikular na ang paggamit ng mga pampasabog, improvised explosive devices (IEDs), at iba pang mapanganib na kagamitan.

Facebook Comments