NO-PARKING POLICY SA HARAP NG LGU BUILDINGS SA MANGATAREM, HINIGPITAN

Hinigpitan ng lokal na pamahalaan ng Mangatarem ang pagpapatupad ng no-parking policy sa harap ng mga gusali ng munisipyo.

Sa inilabas na abiso ng LGU, ipinagbabawal ang pagparada ng anumang uri ng sasakyan sa naturang lugar upang manatiling bukas ang daanan at hindi magkaroon ng sagabal sa pagpasok at paglabas sa municipal compound.

Pinapayuhan ang mga motoristang may transaksyon sa munisipyo na gamitin ang mga itinalagang parking area at sundin ang mga nakapaskil na traffic at parking regulations.

Inaasahang makatutulong ang patakaran upang mabawasan ang pagsisikip, lalo na sa mga oras na maraming mamamayan ang nagtutungo sa municipal offices para sa kanilang mga transaksyon.

Mahalaga rin na manatiling maluwag ang access sa mga gusali para sa mga sasakyang ginagamit sa operasyon at paghahatid ng serbisyo ng lokal na pamahalaan.

Hindi naman nakasaad sa inilabas na abiso kung may multa, towing, o iba pang parusang ipapataw sa mga mahuhuling lalabag sa no-parking policy. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments