Mahigpit na ipatutupad ng lokal na pamahalaan ng Dagupan City ang “No Swimming, No Surfing, at No Fishing Policy” sa lahat ng coastal areas ng lungsod bilang pag-iingat sa banta ng mapanganib na kondisyon ng dagat dulot ng masamang panahon.
Saklaw ng kautusan ang mga baybaying lugar at karagatang bahagi ng Tondaligan Beach, Bonuan, Binloc, Pantal, Pugaro, at iba pang coastal areas sa lungsod.
Ayon sa lokal na pamahalaan, ipinatutupad ang polisiya dahil sa posibilidad ng malalakas na alon at iba pang panganib sa karagatan na maaaring idulot ng patuloy na pag-ulan at umiiral na sama ng panahon.
Pinayuhan ang publiko, lalo na ang mga mangingisda, beachgoers, at iba pang nagtutungo sa mga baybayin, na iwasan muna ang paglangoy, pag-surf, at pangingisda habang umiiral ang pagbabawal.
Hinimok din ng mga awtoridad ang mga residente na sumunod sa ipinatutupad na polisiya at manatiling nakaantabay sa mga susunod na abiso ng lokal na pamahalaan at ng mga kinauukulang ahensya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











