
Pinabibilisan na ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Department of Education (DepEd) at Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagkukumpuni sa mga silid-aralan, palikuran at handwashing stations sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, malinaw ang utos ng Pangulo na dapat may ligtas at maayos na lugar para matuto ang mga mag-aaral ngayong nagsimula na ulit ang klase.
Bukod dito, may hiwalay na utos din ang Pangulo sa Department of Health (DOH) na palakasin ang school clinics, ipagpatuloy ang bakuna-eskwela, pagpurga, tutukainan, oral health, at community based mental-health programs, kasama na ang pagbibigay ng health kits at equipment.
Inatasan naman ng Pangulo ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) sa mas mahigpit na pagbabantay sa mga paaralan sa tulong ng higit 37,000 na kapulisan sa buong bansa.
Bahagi rin ng direktiba ang pagbabantay ang paglalagay ng CCTV sa school perimeters, at pagtatayo ng school kitchens sa mga 4th at 5th class municipalities paa suportahan ang feeding programs.