
Kinalugod ni House Committee on Overseas Workers Affairs Chairman at TINGOG Party-list Rep. Jude Acidre ang repatriation sa 187 na mga Pilipinong biktima ng human trafficking sa Myanmar.
Gayunpaman, patuloy na nag-aalala si Acidre sa 62 mga Pilipino na nananatili pa rin sa trafficking compounds sa Myanmar.
Giit ni Acidre, ang sinapit ng ating mga kababayan sa Myanmar ay patunay na kailangang tugunan ang lumalalang human trafficking crisis sa rehiyon.
Bunsod nito ay hiniling ni Acidre sa lahat ng kaukulang ahensya ng pamahalaan na magtulungan para mapa-igting ang mga hakbang na susuporta sa trafficking victims at titiyak na wala ng Pilipino ang magiging biktima nito.
Nananawagan din si Acidre sa mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN na magkaroon ng mas malakas na kooperasyon para tiyaking mapapanagot ang nasa likod ng naturang krimen.