Number 1 drug personality ng Quezon City Police District Station 2, arestado

Manila, Philippines – Arestado ang number 1 drug personality ng Quezon City Police District Station 2 matapos ang isinagawang buy-bust sa Payna Street, Barangay Veterans, Quezon City.

 

Kinilala ang suspek na si Bong Lichauco na naaresto malapit sa bahay nito sa Payna Street Brgy. Veterans.

 

Ayon kay C/Insp Erwin Guevarra ng Station Drug Enforcement Unit ng QCPD Station 2, matapos na magpanggap na bibili ng shabu ang mga pauser buyer at nang iaabot na ang limang daang pisong  mark money ay agad na inaresto ng mga awtoridad ang suspek.

 

Narecover sa suspek ang ilang piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at ang limang daang pisong mark money.

 

Sasampahan ng  kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang naturang suspek.



Facebook Comments