
Nagsagawa ng kilos-protesta ang National Union of People’s Lawyer at ibang grupo para kondenahin ang ginawa ng Department of Justice (DOJ) laban sa mga aktibista at civil society organizations.
Giit ng grupo, tila tina-target ng DOJ ang mga nasabing indibidwal para lamang maging sapat sa mga requirement ng Financial Action Task Force (FATF) at matanggal na rin ang Pilipinas sa grey list.
Kinokondena nila ang ganitong hakbang ng DOJ na malinaw na isang paglabag sa karapatang pantao at kalayaan na ipahayag ang saloobin.
Paliwanag pa ng NUPL, para makapag-comply lamang sa FATF standards, sinasampahan nila ang mga sinasabing konektado sa terorismo nang walang sapat na ebidensiya.
Hiling ng NUPL na itigil na ng DOJ ang maling gawain kung saan ihinto na rin sana ng pamahalaan ang pananakot at harassment sa mga biktima ng maling akusasyon gayundin sa mga saksi.