OCD, pinag-aaralan ang paglalabas ng hiwalay na warning system para sa shearline at iba pang sama ng panahon

Masusing pinag-aaralan ngayon ng Office of Civil Defense (OCD) ang pagkakaroon ng hiwalay na warning system para sa shearline at iba pang sama ng panahon.

Nabatid na ang shearline ay madalas magdulot ng malalakas na pag-ulan at pagbaha sa ilang mga lugar sa bansa.

Ayon kay Civil Defense spokesperson Director Chris Noel Bendijo, nais nilang maipaunawa sa publiko ang lawak ng epekto ng bawat weather phenomenon para maiwasan ang kalituhan at maagap na makapagsagawa ng paglilikas kung kinakailangan.


Sinabi ni Bendijo na nasa preliminary stage pa lang ang mungkahi ng OCD at dadaan pa ito sa masusing pag-aaral at rekomendasyon.

Facebook Comments