Nakasaad sa Executive Order (E.O.) No. 07-25, Series of 2026, na ang hakbang ay bilang suporta sa Memorandum Circular No. 114 ng Tanggapan ng Pangulo na naghihikayat sa mga ahensya ng pamahalaan, kabilang ang mga lokal na pamahalaan, na magpatupad ng angkop na work arrangement upang maisulong ang pagtitipid sa enerhiya habang napapanatili ang mahusay na paghahatid ng serbisyo publiko.
Sa ilalim ng bagong iskedyul, ang mga empleyado ng Pamahalaang Bayan ng Sison ay papasok mula 7:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi, Lunes hanggang Huwebes.
Gayunman, mananatili sa kinakailangang iskedyul ang ilang tanggapan na nagbibigay ng mahahalagang serbisyo upang matiyak ang tuloy-tuloy na operasyon at agarang pagtugon sa pangangailangan ng publiko.
Kabilang dito ang, Municipal Health Office (MHO), Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Mga tauhan ng Solid Waste Management at Material Recovery Facility (MRF), at Mga tauhan ng Pamilihang Bayan.
Ayon sa lokal na pamahalaan, layunin ng bagong work arrangement na makatulong sa pagtitipid ng enerhiya habang patuloy na naihahatid ang kinakailangang serbisyo sa mga residente ng Sison. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








