P500-K cash assistance, personal na ibinigay ng OWWA sa pamilya ng nasawi sa malagim na trahedya sa NAIA

Personal na tinanggap ng pamilya Masongsong ang P500,000 na tulong pinansyal muna sa Overseas Workers Welfare Administration o OWWA.

Ayon kay OWWA Administrator Patricia Yvonne Caunan, ang ipinaabot na cash assistance ay tulong ng ahensya para sa muling pagbangon ng pamilya Masongsong mula sa malagim na insidente na nangyari noong May 4 sa departure area ng Ninoy Aquino International Airport o NAIA Terminal 1.

Kasunod nito, nagpasalamat naman ang ama ng batang nasawi sa ibinigay na tulong ng OWWA.

Matatandaang ang 4-year old na si Malia ay isa sa nasawi sa insidente na maghahatid lang sana ng ama patungong ibang bansa.

Kasama rin sa pangyayari ang ina at pamangkin ni Malia na nagtamo naman ng sugat matapos madamay sa pananagagasa.

Facebook Comments