P85-M Special Education Fund para sa SDO Isabela, Aprubado ng Provincial Government

34
Cauayan City, Isabela-Aprubado na ang inilaang P85 milyon ng Provincial Government ng Isabela para sa Special Education Fund (SEF).

Ayon kay OIC-Schools Division Superintendent Dr. Madelyn Macalling ng SDO Isabela, labis ang kanyang pasasalamat sa suporta at tulong ng provincial government at Provincial School Board (PSB) na naging instrumento sa pagsasakatuparan ng lahat ng gawain ng Division office.

Aniya, nang ipatupad ang distance learning modality sa SDO Isabela ay nanatili pa rin ang provincial government sa pagtitiyak na ang lahat ng mga hakbang sa pag-aaral ay magiging maayos.

Samantala, nagpasalamat rin si Macalling sa ilang opisyal ng probinsya gayundin sa Presidente ng Supreme Student Council Federation ISU Echague.

Pagtitiyak ni Macalling na pondo magbibigay inspirasyon sa lahat ng mga tauhan ng SDO-Isabela na magsumikap upang mapanatili o malampasan pa ang mga nagawa ng dibisyon noong nakaraang taon.

Facebook Comments