Pag-endorso ni Gov. Remulla sa BBM-Sara UniTeam, hindi ikinababahala ng Lacson-Sotto tandem

457

Hindi nababahala si presidential aspirant Senador Panfilo Lacson at vice presidential aspirant Senador Vicente “Tito” Sotto III sa pag-e-endorso ni Cavite Governor Jonvic Remulla kina presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at vice presidential aspirant Davao City Mayor Sara Duterte.

Ayon kay Lacson, choice ni Remulla kung nais niyang suportahan ang ibang kandidato at mayroon siyang karapatan kung sino ang gusto niyang i-endorso.

Aniya, bago ang kanilang proclamation rally sa Imus sa Cavite ay humingi siya ng permiso kay Remulla at nagpasalamat pa siya sa gobernador.


Sinabi naman ni Sotto na mabuti ang ine-endorso ng mga local officials pero para sa kaniya ay iba pa rin ang endorsement ng taumbayan sa halalan.

Ipinunto pa ni Sotto na hindi naman kontrolado ang mga nasa ground kung kaya’t hindi na nakakabahala ang pag-endorso ni Remulla sa BBM-Sara UniTeam.

Facebook Comments