PAGBABAWAL SA PAGGAMIT NG AYUDA SA KAMPANYA, IGINIIT NG DSWD REGION 1

Iginiit ng Department of Social Welfare and Development Region 1 ang mahigpit na pagbabawal sa paggamit ng ayuda upang makapag kampanya ngayong nagsimula na ang campaign period.

Ito ay base sa inilabas na Omnibus Election Code ng COMELEC na nagbabawal sa presensya ng mga kandidato at campaign materials sa mga pamamahagi ng ayuda.

Samantala, inihayag naman ng tanggapan na nagpapatuloy ang pagpapatupad ng mga programa para sa mga mahihirap tulad ng Assistance to Individuals in Crisis, Sustainable Livelihood Program at Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

Tiniyak din ng tanggapan na patas at maayos ang pagpapatupad ng mga programa mula sa profiling ng mga benepisyaryo.

Hinimok naman ng DSWD ang publiko na ipaalam ang anoang insidente ng pang-aabuso sa mga programa ngayong papalapit ang halalan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments