OSG at DOJ, nanindigan na karapatan ng Pilipinas na kumalas sa ICC

50

Nanindigan ang Department of Justice (DOJ) at Office of the Solicitor General (OSG) na karapatan ng gobyerno ng Pilipinas na huwag sumali muli sa International Criminal Court.

Ayon kay Justice Secretary Crispin Remulla, maraming bansa na hindi naman miyembro ng ICC tulad ng US, China, at Russia.

Iginiit pa ni Remulla na gumagana ang judicial system ng bansa at hindi naman mapagkakaitan ng katarungan ang mga biktima kung hindi miyembro ng ICC ang Pilipinas.


Iginiit din ni Solicitor General Menardo Guevarra na prerogative ng pangulo bilang punong arkitekto ng foreign policy ng bansa na i-determina kung anong organisasyon maaaring sumapi ang Pilipinas.

Aniya, ang pangunahing konsiderasyon ng presidente ay ang interes at soberenya ng bansa.

Facebook Comments