
Nakatitiyak si House Deputy Majority Leader at La Union Representative Paolo Ortega V na magpapalakas sa pagdepensa ng ating teritoryo ang pagbili ng Pilipinas ng 20-unit ng F-16 fighter jet.
Para kay Ortega, ang mungkahing pagbili ng F-16 fighter jets mula sa Estados Unidos ay isang positibong hakbang para sa modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Sabi ni Ortega, maaaring hindi pa sapat sa ngayon ang pondo para sa ganap na modernisasyon ng AFP pero malinaw na unti-unti na itong isinasakatuparan.
Pahayag ito ni Ortega makaraang aprubahan ng gobyerno ng Amerika ang pagbebenta ng F-16 aircraft na nagkakahalaga ng $5.58 bilyon sa Pilipinas.
Facebook Comments