
Dinaluhan ng daang-daang mananampalataya ang banal na misa para kay Pope Francis sa Manila Cathedral sa Intramuros, Maynila kanina.
Pinangunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang banal na misa kung saan inalala ang pagbisita ng Santo Papa sa bansa noong 2015 at Bagyong Yolanda kung saan ipinakita ng Santo Papa ang paghahanap ng pag-asa sa kabila ng madilim na paghihirap.
Ani Cardinal Advincula, ang mga puso ng bawat isa ay napupuno ng pasasalamat para kay Pope Francis.
Dagdag pa rito, inihayag din ng cardinal na ang Santo Papa ay naging ama sa lahat at ipinakita nito ang pagmamahal sa bansang Pilipinas.
Bago magsimula ang misa kanina, unang naghandog ng panalangin para sa namayapang Santo Papa bago simulan ang banal na misa.
Facebook Comments