
Naglabas na rin ng pahayag si Senator Ronald “Bato” dela Rosa matapos ang pananahimik nito kahapon sa naging pag-aresto ng International Criminal Court (ICC) kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay makaraang walang Temporary Restraining Order o TRO na ilabas ang Korte Suprema sa petisyong inihain kahapon nina Duterte at Dela Rosa na humihiling sa korte na ipatigil sa gobyernong Marcos ang pakikipagtulungan sa imbestigasyon ng ICC.
Ayon kay Dela Rosa, handa siyang samahan si Duterte sa kulungan nito sa ICC sa The Hague, sa The Netherlands kung papayagan siyang alagaan ang dating pangulo.
Gayunman, nilinaw ni Dela Rosa na magpapa-aresto lamang siya sa ICC kung may warrant of arrest na at tiniyak niyang hindi siya magtatago.
Nagpaliwanag din ang senador kung bakit hindi ito ma-contact mula kahapon ng media at aniya pinatay niya ang kanyang cellphone dahil abala sila sa pag-draft ng petisyon at sa dami ng tumatawag ay hindi nila matatapos ang dokumento.
Sinabi pa ni Dela Rosa na siya ay nasa kabundukan ng Surigao at abala sa pangangampanya at tinitiyak niyang naririto siya sa bansa.