Pagdulog ni VP Sara sa Supreme Court para pigilan ang impeachment trial, paraan ng pagtakas sa pananagutan

Mariing kinondena ng mga kongresistang kasapi ng Makabayan Bloc ang pagdulog ni Vice President Sara Duterte sa supreme court para mapigilan ang impeachment trial at matakasan ang kanyang pananagutan.

Nakakabahala para kay ACT Teachers Party-list Rep. France Castro na namimihasa si VP Sara na takasan ang kanyang mga pananagutan sa pamamagitan ng paggamit ng legal na taktika sa halip na harapin ang kanyang impeachment case sa impeachment court.

Sabi naman ni Gabriela Women’s Party-list Rep. Arlene Brosas, buking ngayon na hindi totoo ang pagyayabang ni VP sara na siya at ang kanyang defense team ay handa ng humarap sa impeachment trial.


Dismayado naman si Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel na hinaharang ni VP Duterte ang impeachment proceedings sa halip na gamitin itong pagkakataon para ipagtanggol ang kanyang sarili.

Facebook Comments