Sa harap ng pamba-bash ng ilang netizen, ibinida ni Senador Ramon ‘Bong’ Revilla sa publiko ang kanyang mga naging accomplishments.
Sa kanyang talumpati sa Pasay City, tinukoy ni Revilla ang naihain niyang mahigit 2,000 mga panukalang batas kung saan 343 dito ay batas na sa ngayon.
Kabilang sa batas na nagawa ng senador ay ang Kabalikat sa Pagtuturo Act kung saan matatanggap ng mga guro sa mga pampublikong paaralan ang P10,000 teaching allowance mula sa dating P5,000 lamang.
Bukod pa rito ang Anti-No Permit No Exam Policy at ang Expanded Centenarian Law.
Nangangahulugan aniya ito na kahit hindi fully paid ang isang estudyante ay pwede na silang kumuha ng exam.
Habang sa ilalim ng Expanded Centenarian Law, ang mga nakatatanda na may edad 80, 85, 90, 95 ay tatanggap ng 10,000 pesos simula sa taong ito.