
Sinita ni ACT Teachers Rep. France Castro ang Bureau of Internal Revenue (BIR) matapos nitong sabihin sa pagdinig ng Kamara na iniaasa lamang nito sa social media influencers kung magkano ang kanilang idedeklarang kinita na siyang papatawan ng buwis.
Sa hearing ng House Tri Committee ukol sa paglaganap ng fake news at misinformation ay hindi ikinatuwa ni Castro ang sinabi ni Atty. Tobias Gavin Arcilla ng BIR na umaasa lang sila sa self-reporting ng influencers dahil ang kanilang kita ay karaniwang nagmumula sa foreign payors.
Punto ni Castro, kung ginagampanang mabuti ng BIR ang trabaho nito ay maari naman nitong hingin sa socia media platforms ang listahan ng mga kumikita mula sa mga digital content.
Facebook Comments