
Pinapaimbestigahan sa Kamara ng mga kongresistang kasapi ng Makabayan Bloc ang pagguho ng Cabagan-Sta. Maria Bridge sa lalawigan ng Isabela noong February 27.
Nakapaloob ito sa House Resolution Number 2249 na inihain nina Representatives France Castro ng ACT Teachers Party-list, Arlene Brosas ng grupong Gabriela at Raoul Manuel ng Kabataan Party-list.
Binanggit sa resolusyon na mahigit 1.2 billion pesos ang halaga ng nabanggit na infrastructure project kaya dapat masilip kung mayroong katiwalian o paggamit ng substandard na materyales kaya ito agad gumuho kahit kakatapos lang sumailalim sa retrofitting nitong Pebrero.
Target din ng pagdinig na mabusisi ang kontrata ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at private contractors sa naturang proyekto.