Pinaghahandaan sa Urdaneta City ang posibleng epekto ng El Niño matapos ang third quarter meeting ng Local Disaster Risk Reduction and Management (LDRRM) Council noong Setyembre 29, 2026.
Dumalo sa pagpupulong ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at personnel ng City Local Government Operations Office (CLGOO), kasama ang mga kaugnay na tanggapan.
Tinalakay sa pulong ang mga posibleng lokal na epekto ng El Niño at ang mga hakbang na maaaring ipatupad.
Kasama rin sa tinalakay ang pagbuo ng Technical Working Groups (TWGs) para sa Climate and Disaster Risk Assessment (CDRA) at Local Climate Change Action Plan (LCCAP).
Inaasahang tututukan ang paghahansa sa mga climate at disaster risks at pagpaplano ng koordinasyon sa lokal na pamahalaan.
Pinag-usapan din ang pagpapalakas at institutionalization ng Local DRRM Response Clusters.
Patuloy namang isinasagawa ng mga kinauukulang tanggapan ang pagbuo ng disaster preparedness at response capacity ng lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣












