Pagpaparusa sa mga ama na hindi nagsusustento sa anak, isinulong sa Kamara

Isinulong ni House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo at kanyang mga kasama sa ACT-CIS Party-list at ilan pang mambabatas na mapatawan ng parusa ang mga tatay na hindi nagbibigay ng suporta sa kanilang mga anak.

nakapaloob ito sa House Bill 8987, o panukalang “An Act Punishing the Willful Failure to Pay Paternal Child Support” na inihain ni Congressman Tulfo at mga kasamang sina ACT-CIS Party-list Representatives Jocelyn Tulfo, at Edvic Yap; kasama sina Benguet Cong. Eric Yap at Quezon City 2nd District Rep. Ralph Tulfo.

Ayon kay Tulfo, layunin ng panukala na protektahan ang kinabukasan ng mga bata at papanagutin ang mga magulang, lalo na ng mga ama, na magpapabaya sa kanilang mga anak.


Inirerekomenda ng panukala na ang suporta ng ama sa anak ay hindi bababa sa 10 porsiyento ng sahod ng ama, ngunit hindi dapat mas mababa sa P6,000 kada buwan o P200 kada araw.

Batay sa panukala, makukulong ng anim hanggang labing-dalawang taon at pagmumultahin ng P100,000 hanggang P300,000 ang mga ama na hindi nagbibigay suporta sa anak.

Facebook Comments