Muling nanindigan ang Malacañang na walang halong pulitika sa paglulunsad ng 20 pesos kada kilo ng bigas.

Pahayag ito ng Palasyo matapos kwestyunin ni Vice President Sara Duterte ang timing ng proyekto ilang linggo bago ang midterm elections.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, walang “timing” sa pagbibigay ng tulong lalo na kung kailangan ng mga nasa lalaylayan.

Bakit pa aniya ito patatagalin kung kailan kaya na itong ipatupad ng pamahalaan.

Muli namang nilinaw ni Castro na hindi lang naman agad naipatupad ang program matapos ang naging campaign promise ng pangulo noong 2022 presidential election dahil kinakailangan ang maayos na pag-aaral at koordinasyon sa pagitan ng national government at mga lokal na pamahalaan.

Facebook Comments