Monday, August 3, 2026

JUNKSHOP SA SAN CARLOS CITY, NASUNOG

‎‎Nasunog ang isang junkshop sa Barangay Tarece, San Carlos City.

‎Batay sa paunang imbestigasyon, nagsimula umano ang sunog sa storage area ng nasabing junkshop.

‎Dahil dito, bahagyang nasira ang isang forklift habang tuluyang natupok ng apoy ang tinatayang anim na motorsiklo na nakaparada sa lugar.

‎Agad namang rumesponde ang mga bumbero upang apulahin ang sunog.

‎Agad ding nakontrol ng awtoridad ang insidente at naapula ang sunog.

‎Wala namang naiulat na nasawi o nasugatan sa insidente ngunit tinatayang umabot sa humigit-kumulang ₱250,000 ang umano’y halaga ng pinsala sa ari-arian.

‎Samantala, patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang nasabing insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments