BENTAHAN SA PALENGKE SA CALASIAO, APEKTADO NG MALAKAS NA PAG-ULANr

‎Apektado ang bentahan ng ilang manlalako sa pampublikong pamilihan ng Calasiao dahil sa malakas at tuloy-tuloy na pag-ulan.


‎Ayon kay Lourdes Soriano, isa sa mga manlalako, nababaha ang harapang bahagi ng kanilang puwesto tuwing lumalakas ang ulan.


‎Bukod dito, naaapektuhan din umano ang kanilang kita dahil kumokonti ang mga mamimiling nagtutungo sa pamilihan kapag masama ang panahon.

‎Kadalasang humuhupa naman ang problema sa mga naiipong tubig kapag tumitigil ang ulan.

‎Ang ilan sa mga manlalako ay naglagay na ng mga pansamantalang panakip sa mga bahagi ng bubong na pinapasukan o tinutuluan ng tubig upang hindi ito dumeretso sa kanilang mga puwesto.

‎Ang iba naman ay nagsusuot na lamang ng bota bilang pansamantalang proteksiyon sa kanilang mga paa upang maipagpatuloy ang pagtitinda kahit may naiipong tubig sa palengke.

‎Sa kabila nito, patuloy pa ring umaasa ang mga manlalako na maging maayos ang panahon upang makabalik sa normal ang pagdagsa ng mga mamimili at ang kanilang bentahan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments