PAGSASANAY NG HIGIT 8K BEI SA PANGASINAN PARA SA HALALAN 2025, ISASAGAWA SA MARSO

Aabot sa 8,600 miyembro ng Board of Election Inspectors (BEI) ang itatalaga upang pamahalaan ang mahigit 2,800 clustered precincts sa nalalapit na midterm elections sa Pangasinan, ayon sa Commission on Elections (COMELEC).
Sa Isang panayam sinabi ni Provincial Election Supervisor, Atty. Ericson Oganiza, Sasailalim sa serye ng mga pagsasanay ang mga pampublikong guro na nagsisilbing BEI sa darating na Marso upang matiyak na handa sila sa pangangasiwa ng proseso ng halalan sa mahigit 2. 1 milyong botante.
Responsibilidad ng mga BEI ang pangasiwaan ang pagboto, Pamamahala sa mga proseso ng halalan at Pagpapanatili at pagpapadala ng resulta ng halalan.

Ang pagkakaroon ng BEI ay itinatag sa ilalim ng Omnibus Election Code ng Pilipinas at sinuportahan pa sa ilalim ng Automated Election System Law. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments