
Ipinanawagan ng mga grupo ng mga rider na tanggalin na ang ilang bike lane sa Metro Manila.
Sa community public consultation ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA kasama ang mga stakeholder at rider, mula nang ipatupad ng No Contact Apprehension o NCAP ay sumikip na ang daloy ng trapiko sa Metro Manila.
Tumaas din sa 18 percent ang travel speed na mula sa dating 23.14 kph ay naging 27.38 kph na ngayon.
Dahil dito, nais ng grupo ng mga rider na bawasan ang espasyo ng bike lane sa Commonwealth Avenue.
Habang ang isang nagbibisekleta at nagmomotorsiklo rin at TV personality na si Kim Atienza ay ipinanukala sa MMDA na gamitin ang bike lane sa EDSA ng mga nakamotorsiklong naghahanap-buhay.
Facebook Comments