
Pansamantalang suspendido ang pagtanggap ng mga sample sa Animal Disease Diagnosis and Reference Laboratory ng Bureau of Animal Industry o BAI ngayong araw.
Ito ay bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-95 anibersaryo ng pagkakatatag ng bai ngayong araw.
Sa abisong inilabas ng BAI, ginawa ito upang matiyak ang kaligtasan ng mga dadalhing samples at mga bisita na dadalo sa pagdiriwang.
Paliwanag pa ng BAI highlights sa isinasagawang pagdiriwang ngayong araw ang mga nagawa nito sa pagtataguyod ng kalusugan at seguridad ng mga hayop sa bansa.
Pagkakataon din anila ito upang parangalan ang mga taong nag-ambag sa pag-unlad sa industriya ng hayop sa bansa.
Ang pagkakasuspinde ng mga serbisyo ay pansamantala lamang at muling magbabalik ang regular na serbisyo bukas Marso 4, 2025.