Wednesday, July 1, 2026

Daan-daang sasakyang nakaparada sa EDSA dahil sa INC rally kahapon, tiniketan sa ilalim ng NCAP —MMDA

Nasa daan-daang mga sasakyan na iligal na nakaparada sa EDSA kahapon ang tiniketan ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Sa gitna ito ng ikinasang biglaang rally ng Iglesia ni Cristo (INC) kahapon na nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko sa bahagi ng EDSA mula kahapon ng madaling araw.

Ayon kay MMDA Chairman Atty. Don Artes, tiniketan ang mga sasakyan sa pamamagitan ng No Contact Apprehension Policy.

Ito aniya ang kanilang ginawa dahil hirap ang mga tauhan ng MMDA na i-tow o hatakin ang mga sasakyan sa dami ng tao at upang makaiwas sa gulo.

Tiniyak naman ni Artes na nakahanda sila sakaling magtuloy-tuloy pa sa mga susunod na araw ang kilos protesta ng religious group sa bahagi ng EDSA People Power Monument.

Sinabi ito ni Artes nang isagawa ang sigining ng Memorandum of Agreement sa Maynila sa pagitan ng MMDA at Department of Labor and Employment para palakasin ang programa para sa cleanup drive kontra baha na ipapasok sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program.

Facebook Comments