Pamahalaang lungsod ng Muntinlupa, nakatanggap ng anim na solar power paddle wheels

32

Pormal na tinanggap ng pamahalaang lungsod ng Muntinlupa ang anim na unit ng wheel solar powered paddle wheel na ibinigay ng Laguna Lake Development Authority (LLDA).

Sa ginawang turn over ceremony kahapon, pinangunahan ito ni Gilda Peralta ng LLDA Private Investors Member.


Tinanggap naman ang nasabing donasyon ng Muntinlupa Lake Management Officer Hermie dela Cruz, Environmental Sanitation Center Chief Lorna Misa, at Deputy Administrator RJ Smith.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang lokal na pamahalaan ng lungsod sa LLDA, kasabay sa pagtiyak na patuloy nilang isusulong sa lungsod ang renewable energy.

Ang lungsod ng Muntinlupa ay may programa kaugnay sa green at renewable energy, dahilan para kilalanin ang lungsod bilang isa sa mga finalists ng bansa sa World Wide Fund for Nature’s (WWF) One Planet City Challenge (OPCC) noong taong 2020.

Facebook Comments