Puspusan ang isinasagawang paghahanda ng Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) para sa buong summer vacation at nalalapit na selebrasyon ng Pistay Dayat sa darating na May 1.
Ayon kay Pangasinan PDRRMO Operations Head Vincent Chui sa panayam nito sa IFM NEWS DAGUPAN, nauna nang nagsagawa ang tanggapan ng quarterly council meeting kasama ang PDRRM Council kung saan tinalakay ang gampanin ng bawat ahensya sa pagtiyak ng seguridad sa publiko.
Dagdag niya, aasahan na muling dadagsain ang mga baybayin sa lalawigan dahil ipagdiriwang din ang taunang Pistay Dayat, maging sa pagsisimula ng summer vacation. Kabilang sa mahigpit na babantay din ng ahensya ay ang mga religious tourist areas at iba pa.
Handa umano ang pamunuan sakaling mangailangan ng augmentation ang ibang bayan upang makumpleto ang sapat na pagtugon sa anumang uri ng emerhensiya.
Samantala, nananawagan ang tanggapan sa mga Pangasinenses at mga turista sa lalawigan na tumalima sa ibinabang mga kautusam upang makaiwas sa anumang insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨